Francis Magalona – Kaligtasan (Feat. Andrew E.) lyrics

Kaligtasan
Francis M. and Andrew E. feat. Razorback

Ikaw ba’y naniniwala na ika’y nagkakasala
Kung sinong mapagkumbaba ang siyang pinagpapala
O bathala, kaninong diyos ako maniniwala
Maraming napipinsala sa mga maling akala
Milagro, ang nangyayari dito sa kanto
Kung ano ang paniwalaan mo yun ang sundin mo
Dinggin mo ang sinasabi, sinasalita ng bawat labi
Iminumungkahi mga adhikain ng ating lahi
Sumasamba pero hindi sumusunod
Nakakakita pero hindi nanood
Nakakarinig pero mga bingi pareho
Tingala ang lahat dahil sa langit tumingin
Kaligtasan, pangangailangan ng sangkatauhan
Kung ayaw mong maniwala wag ka ng mangialam
Yan ang tanging paraan upang maintindihan
Ang pagkatao ng bawat nilalang

(Ref)
Nasaan? Nasaan? Ang Kaligtasan
Nasaan? Nasaan? Ang Kaligtasan
Nasaan? Nasaan? Ang Kaligtasan
Nasaan? Nasaan? Nasaan? Nasaan?
Nasaan? Nasaan? Ewan!
Nasaan? Nasaan? Ewan!
Nasaan? Nasaan? Ewan!
Nasaan? Nasaan? Ewan!
Nasaan? Nasaan? Nandyan!
Nasaan? Nasaan? Nandyan!
Nasaan? Nasaan? Nandyan!
Nasaan? Nasaan? Nandyan!

Iisa ang diyos, pero ang taong napakarami napakaraming sinasabi at lahat handang sumali
Sa kulto, puro litrato at mga rebulto
Simbolo pero walang pang-iinsulto
Saan ba talaga ang daan, handa ka bang mahawaan?
Kailangan bang malaman kung saan, kung saan? Ang pinagmulan ng buhay
Kanino ka sasabay? Lalakad ng tuwid o may saklay?
Iika-ika, na parang pilay
Walang saysay ang buhay kung walang gumagabay
Iisa lang ang gusto kong malaman
Kung nasaan, ang daan ng kaligtasan!!!

(Repeat Ref)

Sinong tunay na ministro, sinong mahusay?
Sinong aakayin o magdadala sa hukay?
Magpapasamba pero hihingin ng pera?
Ang di daw magbigay sa simbahan, etsapwera!
Ganun ba ang salbasyon, ng bibliya?
Ni minsan ang panginoon di humingi ng koleksyon
Kaya sinong nagbigay sa inyo ng kapangyarihan
Para sa lipunan maghari-harian!
Kunwari maka-diyos pero asan. Adik!
Nagpapayaman ng ka-demonyohan
Ni-rerespeto ko ang ministrong mahirap
Hindi nagpayaman, di rin nagpahirap
Eh kaso, ang hirap sa iba dahil sa pagsamba
Parang nangongolekta, minamanipula na parang matrikula
Di namin kilala pero di siya nag-iisa kasi ang dami-dami nila
Di ko nilalahat pero dead lahat sila
Pero kahit na palihis kanta yan ni Francis
Andrew E. wholsesome, maka-comedy
Pero sila mismo wala kang remedy
100 % El filibusterismo
Walang kaligtasan sa mga yamimismo
Kay Jose Rizal nga di ka nakapasa
Andrew E., Francis M. pa, Ha-Ha!!!

(Repeat Ref)

Submitted by Guest