Jaya – Dating Damdamin lyrics
Hmmm...
Akala ko ba'y nalalaman mo at naiintindihan
Ako ay nagulat at natulala
Sa 'yong mga iniasal
Sinong 'di mabibigla
Sinong mag-aakala
Damdamin mo pala'y sa akin
Ay hindi na tulad ng dating damdamin
Puno ng paglalambing
Akala ko'y hanggang wakas
Ang pag-ibig mo sa akin
Ngunit ngayon hindi na naririnig
Ang "mahal kita'y" hindi na binabanggit
Paano ko ba haharapin at matatanggap ito
Kung ikaw nga ay hindi na ang dating mahal ko
Sinong 'di mabibigla
Sinong mag-aakala
Damdamin mo pala'y sa akin
Ay hindi na tulad ng dating damdamin
Puno ng paglalambing
Akala ko'y hanggang wakas
Ang pag-ibig mo sa akin
Ngunit ngayon hindi na naririnig
Ang "mahal kita'y" hindi na binabanggit
Paano ko ba haharapin at matatanggap ito
Kung ikaw nga ay hindi na ang dating mahal ko
Ang dating damdamin
Puno ng paglalambing
Akala ko'y hanggang wakas
Ang pag-ibig mo sa akin
Ngunit ngayon hindi na naririnig
Ang "mahal kita'y" hindi na binabanggit
Ang "mahal kita'y" hindi na binabanggit