Kawago – Kailanman lyrics

INTRO

Miss na miss na kita sa bawat gabi
Naaalala na ikaw pa ay nasa tabi
Ang sabi nila na maghanap na ng iba
Ba't 'di magawa, sa piling ko nandyan ka pa

Ako'y nagtatanong sa Diyos na lumalang
Ba't 'di pa binigay ang buhay na walang hanggan
Ikaw lamang ang tangi kong kaligayahan
At sa buhay ko, nagbibigay ng kasiyahan

Ramdam ko ang sakit ng pagkawala
Mga dumaan na araw na ako ay tulala
Aking kinakaya ang sakit na dinaramdam
Dahil ang tulad mo ay kay hirap malimutan

Kung pagbibigyan sana ng Diyos na humiling
Hihilingin na bumalik ka sa 'king piling
At kung maririnig mo lamang ako, o sinta ko
Ikaw pa rin ang nasa puso, 'yan ang totoo

CHORUS
Kailanman ikaw lang ang aking mahal
Kailanman ang tangi kong pinagdarasal
Minsan pa sana'y mayakap ka
Patutunayan na mahal kita

'Di ba pangako mo na ako lang ang mahal
Napaniwala mo ako nang napakatagal
Pinilit kong inahon sarili ko sa pagkalugmok
Kahibangan at ego ay aking nilulon

At dahil sa mahal kita, binigay sa 'yo lahat, sinta
Nagmumukhang kawawa sa pagsunod sa 'yong dikta
Pero sakit ng ginawa, bakit ako'y kinaliwa
Sa harap ng maraming tao ako ay pinahiya

Puso ko'y dinaya at damdamin ko'y winalanghiya
Sa pagpapakasal sa akin ika'y hindi naging handa
Mas pinili mo pa na sumama sa iba
Kaya buo ang pasya na doon ka liligaya

Bawat oras at gabi na pilit kitang limutin
Ikaw pa rin ang tibok at s'yang laging susundin
Humihiling na sana ay kalimutan na
Dahil ayoko nang ibalik pa ang alaala

[Repeat CHORUS twice]

Last night, nang ako'y mag-solo flight
Dumayal sa phone, 12 o'clock ng midnight
'Di inaasahan wrong number ang tinawagan
Feeling ko tuloy ako'y pinaglaruan

Buti na lang may taong sumagot
Babaeng mahiwaga at ito'y malungkot
Kami ay nagkwentuhan, gabi ay nilasap
Ang ganda ng boses, parang nasa alapaap

'Di nagtagal, sa kanya ay na-in love
Tuwa ng aking puso'y naglalagablab
Sa sobrang saya, nagpunta sa kanyang bahay
Pagdating ko doon, iba ang nag-aantay

Hinanap ko ang babaeng nakilala
Ang sabi n'ya sa akin, wala na siya
Huli na ang lahat nang aking matuklasan
Babaeng nakilala kinasal na sa iba

[Repeat CHORUS thrice]

Submitted by Guest